Wednesday, June 24, 2009

SABIK

ni Angela Alano

Noong tayo’y nagkakilala
Ika’y naging inspirasyon
Magmula noon hanggang ngayon
Ika’y laging nasa isip
Kahit ako’y umiidlip

Sa tuwing nakikita ka,
Pinagmamasdan kita twina
Nang hindi mo nalalaman
Ako’y nakikiliti
Tuwing ika’y ngumingiti.

Sa t’wing ika’y nakatingin
Nahihiya ‘kong tumingin
Kapag ika’y tumatawa
Ligaya ang s’yang nadarama
O kay sarap aking sinta.

Nung naging malapit sayo
Saya ang nadarama ko
Na parang animo’y bata
Kahit anu’ng aking gawin
Ika'y nasa damdamin.

Kahit ikaw ay malayo
Susundin ang iyong payo
Hindi na ‘ko malulungkot
Dahil ikaw ay nariyan
nagmamahal ng lubosan.

Huwag mong kalilimutan
O iwaglit sa isipan
Sabik kang mahagkan
At makapiling,
Mahal kita di biro ‘yan!

No comments:

Post a Comment